Friday, January 06, 2006

tagahanga

sa pagsilip ng gabi --
sa kalaliman ng kalungkutang umiiral sa pagkatao,
sa pagdaing ng mga luhang dulot ng iyong pagngiti,
sa mga katanungang walang makapupuno.

sa katahimikang kayakap ng kaluluwa,
ang ulang karamay --
sa bawat nakabibinging pagsigaw ng puso.
sa pagpatak ng oras --
sa ilaw ng iyong kagandahan
kamalayan ko`y naglalakbay.

sa bawat salita na iyong binibitawan,
sa liriko ng mga awit na isinulat mo,
sa gitna ng mga taong nais mapalapit sayo..

nagising sa katotohanang kahit kailanman,
imposibleng maramdaman mo
ang higpit ng yakap
ng tagahangang..
heto na lamang
nakatanaw mula sa malayo.. ='(

ang sad naman nito... relate?

No comments: