Monday, March 21, 2005

hay... pilipino.

ito ay isang post ko sa isang blog ko noong, ililipat ko lang!

Tuesday, December 28, 2004

hay... pilipino.

noong ika-dalawampu't dalawa ng disyembre taong kasalukuyan nang inilibing ang isa sa mga Filipino legends, walang iba kundi si FPJ, ang nag-iisang da king ng mga pinoy. paggising ko nang madaling araw para magsimbang-gabi, bumulaga sa akin ang tv na bukas na at ang aking mga magulang na nanonood ng special live coverage ng burial ni da king. saglit kong ninakaw ang remote ng tv at nilipat ang channel, anak ng tipaklong! kahit sang istasyon ka lumipat, ganon at ganon ang mapapanood mo. nakakasira ng umaga!

pagkauwi ko ng bahay, yun parin ang palabas, wala akong choice na makakasama sa almusal kundi ang manood ng live coverage na yun, gusto ko mang manood ng cartoons, dehado naman ako sa dami ng tao sa bahay na nagpupumilit manood nun. kapansin-pansin ang dami ng tao na sumama sa libing, naisip ko tuloy, baka sa isang artista lang nagkakaisa ang mga pinoy, pag popular ka, maraming susunod sayo. hindi ko maintindihan kung yun ba ay tinatawag na impluwensya o dahil marami lang ang gustong makatikim ng “5-minutes fame” na hindi naman talaga tumatagal ng limang minuto. maraming mga pinoy ang uhaw sa tinatawag nating “limelight” gusto nila, silang lahat sikat. minsan natatawa nalang ako pag nakikita ko ang mga taong nagkakagulo para lang matutukan ng camera, yung pag nakita mo ang mukha mo sa tv ay sobrang laki na ng ulo mo at pati ang mga kamag-anak mong inalikabok na ay binalitaan mo nang iyong panandaliang kasikatan. Kahit na lumabas ka sa telebisyon na criminal, hostage, na-raid sa isang bar o kahit ano pa man, walang pakealamanan basta’t ang mahalaga naging sikat ka.

maraming mga oportunista na ang hinangad lang ay ang sarili nilang kaligayahan, pustahan tayo kapalit ng kapitbahay kong kuripot na marami sa mga pumunta sa libing ni da king ay puro mga usyosero/usyosera lang o di kaya’y naghahanap ng oportunidad na matutukan o kahit madaplisan lang sila nang camera at makita nang kanilang mga kapitbahay at kamag-anak. kitams! sa ganoong paraan nang pagsama-sama nila sa mga mahahalagang pangyayari tulad nito ay instant celebrity na kaagad sila at mga itnuturing na Bayani ng kanilang mga ka-barangay. hay… pilipino talaga.

Ang pagkamatay ni FPJ ay sobrang binigyan ng pansin ng buong bansa, isipin mo, humigit kumulang isang linggo na siya ang nasa laman ng mga balita sa telebisyon, radyo at pahayagan. Pero bakit ganun, nung namatay si FPJ, andaming pumunta sa libing, pero nung maraming mamatay sa bagyo, sabihin man nating madami rin ang nagvolunteer pero alin ang mas marami, ang naki-sama sa libing ni da king o ang mga taong nagbolontaryong tumulong na pumunta ng aurora at sa kung saan pang lugar para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo? Aminin na nating mas madami ang kay FPJ, pero bakit ganon diba? Dahil ba walang libreng pagkain, sine, t-shirts, wristbands at kung ano-ano pa dun sa aurora?? Totoong marami ang nagdonate pero ang pera at mga relief goods ay mga material lamang na bagay, maraming nasalanta ng bagyo na nangangailangan ng assistance at counseling nung mga oras na yun, pero kakaunti lamang an ating naasahan. Siguro maraming mga dahilan kung bakit ganon ang nangyari pero “kung gusto may paraan at kung ayaw maraming dahilan.” Yun lang siguro ang ugaling meron tayo, mahilig tayong magdahilan para lang makatakas sa ating mga tungkulin, pero kung iniisip lang sana natin makatulong at ialis natin ang ating sobrang pagpapahalaga sa sarili ay napakaraming paraan para makatulong tayo.

hay… pilipino nga naman. magising naman tayo. Maraming nangangailangan sa ‘tin. Kelan pa ba tayo kikilos? kung kelan baon na baon na tayo, minsan naman isipin nating iahon ang ating bansa sa kahirapan. mahirap nang umasa sa iba, sarili nalang natin ang tangi nating maasahan.

1 comment:

crazy said...

minsan kinakabahan ako sa sobrang pagiging concern mo sa mga kababayan natin. hehe. but yes, true dat, dat post.