Monday, March 28, 2005

pinoy jeepney mentality

natatawa ako sa tuwing maaalala ko ang pagccommute ko ksama si tin mula sa market pauwi ng bahay. first time kong umabot ng market ng walang kasamang magulang, kamag-anak, watever. 7:00 ang deadline ko, dapat nakatungtong na ang mga paa ko sa bahay, kundi magpapalunsad na ang mama ko ng search operation. hehe.

natatawa ako sa sarili ko, pumila kami sa sakayan ng dyip. mahaba ang pila, akala ko mga 48 years pa kami bago mkasakay saka ko lang naalala, marami pala ang laman ng dyip. isang katangahaan ng manlalakbay, bigyan nyo nga ako ng librong may title na commuter 101 o di kaya'y pagccomute para sa mga tanga (commuting for dummies) <<",>> kailangan ko ng ganun. isang dyip, dalawang dyip, sa wakas, pangatlong dyip at nakasakay na kami. magkabilang dulo kami. umiral na naman ang katangahan ko, hindi ko alam kung kanino magbabayad, sa drayber o dun sa mamang nagtatawag sa labas. nakakahiyang isipin pero nilunok ko ang katangahan ko, at nagtanong, pero salamat at kahit papaano'y naliwanagan ako. ahh... ganun pala un.

sa dyip na kami, sige lang ang pasahero, pasok ng pasok, sumisikip na pero sigaw pa rin ng sigaw yung koduktor sa labas, peste! naiinis na ako at naawa dun sa batang katapat namin, nagbayad sya, tapos kulang nalang lumutang sya para makaupo ang iba. sigaw ng sigaw ng kasya kahit hindi na, sobrang pinagpipilitan, para ano? kumita? ganon na ba talaga tayo kahirap at kailangang pigain ang lhat ng pwedeng pigain para magkapera. tsk! tsk!

-------------------------------------------->

" o sige, dalawa pa sa kaliwa! kaunting usog lang! kasya yan!"
- mamang konduktor

------------------------------------------->

ano kami? sardinas? pinagkakasya sa isang lata kahit masikip na?
oi, gumising ka!

No comments: