natatawa ako sa tuwing maaalala ko ang pagccommute ko ksama si tin mula sa market pauwi ng bahay. first time kong umabot ng market ng walang kasamang magulang, kamag-anak, watever. 7:00 ang deadline ko, dapat nakatungtong na ang mga paa ko sa bahay, kundi magpapalunsad na ang mama ko ng search operation. hehe.
natatawa ako sa sarili ko, pumila kami sa sakayan ng dyip. mahaba ang pila, akala ko mga 48 years pa kami bago mkasakay saka ko lang naalala, marami pala ang laman ng dyip. isang katangahaan ng manlalakbay, bigyan nyo nga ako ng librong may title na commuter 101 o di kaya'y pagccomute para sa mga tanga (commuting for dummies) <<",>> kailangan ko ng ganun. isang dyip, dalawang dyip, sa wakas, pangatlong dyip at nakasakay na kami. magkabilang dulo kami. umiral na naman ang katangahan ko, hindi ko alam kung kanino magbabayad, sa drayber o dun sa mamang nagtatawag sa labas. nakakahiyang isipin pero nilunok ko ang katangahan ko, at nagtanong, pero salamat at kahit papaano'y naliwanagan ako. ahh... ganun pala un.
sa dyip na kami, sige lang ang pasahero, pasok ng pasok, sumisikip na pero sigaw pa rin ng sigaw yung koduktor sa labas, peste! naiinis na ako at naawa dun sa batang katapat namin, nagbayad sya, tapos kulang nalang lumutang sya para makaupo ang iba. sigaw ng sigaw ng kasya kahit hindi na, sobrang pinagpipilitan, para ano? kumita? ganon na ba talaga tayo kahirap at kailangang pigain ang lhat ng pwedeng pigain para magkapera. tsk! tsk!
-------------------------------------------->
" o sige, dalawa pa sa kaliwa! kaunting usog lang! kasya yan!"
- mamang konduktor
------------------------------------------->
ano kami? sardinas? pinagkakasya sa isang lata kahit masikip na?
oi, gumising ka!
Monday, March 28, 2005
Monday, March 21, 2005
hay... pilipino.
ito ay isang post ko sa isang blog ko noong, ililipat ko lang!
Tuesday, December 28, 2004
hay... pilipino.
noong ika-dalawampu't dalawa ng disyembre taong kasalukuyan nang inilibing ang isa sa mga Filipino legends, walang iba kundi si FPJ, ang nag-iisang da king ng mga pinoy. paggising ko nang madaling araw para magsimbang-gabi, bumulaga sa akin ang tv na bukas na at ang aking mga magulang na nanonood ng special live coverage ng burial ni da king. saglit kong ninakaw ang remote ng tv at nilipat ang channel, anak ng tipaklong! kahit sang istasyon ka lumipat, ganon at ganon ang mapapanood mo. nakakasira ng umaga!
pagkauwi ko ng bahay, yun parin ang palabas, wala akong choice na makakasama sa almusal kundi ang manood ng live coverage na yun, gusto ko mang manood ng cartoons, dehado naman ako sa dami ng tao sa bahay na nagpupumilit manood nun. kapansin-pansin ang dami ng tao na sumama sa libing, naisip ko tuloy, baka sa isang artista lang nagkakaisa ang mga pinoy, pag popular ka, maraming susunod sayo. hindi ko maintindihan kung yun ba ay tinatawag na impluwensya o dahil marami lang ang gustong makatikim ng “5-minutes fame” na hindi naman talaga tumatagal ng limang minuto. maraming mga pinoy ang uhaw sa tinatawag nating “limelight” gusto nila, silang lahat sikat. minsan natatawa nalang ako pag nakikita ko ang mga taong nagkakagulo para lang matutukan ng camera, yung pag nakita mo ang mukha mo sa tv ay sobrang laki na ng ulo mo at pati ang mga kamag-anak mong inalikabok na ay binalitaan mo nang iyong panandaliang kasikatan. Kahit na lumabas ka sa telebisyon na criminal, hostage, na-raid sa isang bar o kahit ano pa man, walang pakealamanan basta’t ang mahalaga naging sikat ka.
maraming mga oportunista na ang hinangad lang ay ang sarili nilang kaligayahan, pustahan tayo kapalit ng kapitbahay kong kuripot na marami sa mga pumunta sa libing ni da king ay puro mga usyosero/usyosera lang o di kaya’y naghahanap ng oportunidad na matutukan o kahit madaplisan lang sila nang camera at makita nang kanilang mga kapitbahay at kamag-anak. kitams! sa ganoong paraan nang pagsama-sama nila sa mga mahahalagang pangyayari tulad nito ay instant celebrity na kaagad sila at mga itnuturing na Bayani ng kanilang mga ka-barangay. hay… pilipino talaga.
Ang pagkamatay ni FPJ ay sobrang binigyan ng pansin ng buong bansa, isipin mo, humigit kumulang isang linggo na siya ang nasa laman ng mga balita sa telebisyon, radyo at pahayagan. Pero bakit ganun, nung namatay si FPJ, andaming pumunta sa libing, pero nung maraming mamatay sa bagyo, sabihin man nating madami rin ang nagvolunteer pero alin ang mas marami, ang naki-sama sa libing ni da king o ang mga taong nagbolontaryong tumulong na pumunta ng aurora at sa kung saan pang lugar para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo? Aminin na nating mas madami ang kay FPJ, pero bakit ganon diba? Dahil ba walang libreng pagkain, sine, t-shirts, wristbands at kung ano-ano pa dun sa aurora?? Totoong marami ang nagdonate pero ang pera at mga relief goods ay mga material lamang na bagay, maraming nasalanta ng bagyo na nangangailangan ng assistance at counseling nung mga oras na yun, pero kakaunti lamang an ating naasahan. Siguro maraming mga dahilan kung bakit ganon ang nangyari pero “kung gusto may paraan at kung ayaw maraming dahilan.” Yun lang siguro ang ugaling meron tayo, mahilig tayong magdahilan para lang makatakas sa ating mga tungkulin, pero kung iniisip lang sana natin makatulong at ialis natin ang ating sobrang pagpapahalaga sa sarili ay napakaraming paraan para makatulong tayo.
hay… pilipino nga naman. magising naman tayo. Maraming nangangailangan sa ‘tin. Kelan pa ba tayo kikilos? kung kelan baon na baon na tayo, minsan naman isipin nating iahon ang ating bansa sa kahirapan. mahirap nang umasa sa iba, sarili nalang natin ang tangi nating maasahan.

Saturday, March 19, 2005
sa wakas.
at last, may tinatanaw na kaming pag-asa: ang tatay ni cia. sana'y ma-edit nya ang movie namin. sobrang pinagdadasal ko na ma-edit na iyon at ng maipasa nmin. pls. God help us.
movieee project.
hay. problema na naman. hindi namin ma-edit ung movie namin. sa anong dahilan? hindi ko rin alam. indi kmi nkpgpasa 2day dhil dun at guess wat? ngayon ang deadline nun! sheesh!!! hay... ggraduate kya kmi??? ubos na ang mga pera namin? ano pa ang bukas na naghihintay sa mga tulad naming problemado?? mga classmates! asan ba kayo?!? kailangan nmin ng back-up?!?
Friday, March 18, 2005
panibagong blog na naman.
pwamis. (fingers crossed at the back) final na talaga to!
Subscribe to:
Posts (Atom)